Allen Dizon holding his trophy from the 38th Gawad Urian. |
Sa kakatapos lamang na 38th Gawad Urian, Tinanghal bilang Pinakamahusay na Aktor si Allen Dizon para sa pagganap nya sa pelikulang "Magkakabaung" (coffin maker) directed by Jason Paul Laxamana na naipalabas last year sa Metro Manila Film Festival - New Wave section. Pero bago iyon ay maraming beses na rin syang binigyan ng parangal ng iba't ibang award giving bodies sa loob at labas ng bansa, kabilang na rito ang Harlem International Filmfest in New York, 3rd Silk Road International Filmfest from Ireland at ang 3rd Hanoi International Filmfest in Vietnam.
Binigyan din sya ng pagkilala bilang pinakamahusay na aktor ng mga guro sa 17th Gawad Pasado at 13th Gawad Tanglaw, sa 40th Metro Manila Filmfest at ito ngang pinaka-latest ay ang 38th Gawad Urian. Unang kinilala ang kahusayan ni Allen nuong 2007 bilang Best Supporting Actor sa FAMAS at sa PMPC Star Award for Movies sa pagganap nya sa pelikulang "Twilight Dancers" na dinirek ni Sir Mel Chionglo, at mula nuon ay sunod-sunod na ang mga parangal at pagkilala na natatanggap nya.
Unang nakilala si Allen bilang Hunk sexy model at napabilang nuon sa grupong Viva Hot Men. Madalas din syang napapanuod sa mga drama TV shows tulad ng Maalaala Mo Kaya, Ipaglaban Mo at drama series Princess and I.
Dahil sa sunod-sunod na mga parangal at pagkilala ay maaari nang maihanay si Allen sa mga beterano at pinakamahuhusay na aktor ng Pilipinas tulad nina Sir Eddie Garcia, Tirso Cruz III at Christopher de Leon. Sa kabila nito, nananatiling mapagpakumbaba si Allen. Hindi nya nga inaasahan na ang pangalan nya ang tatawagin sa entablado nuong Gawad Urian, ang inaasahan nya ay si Nonie Buencamino (para sa pelikulang Dagitab) o kaya ay si Sir Robert Arevalo (para sa pelikulang Hari ng Tondo) ang tatawagin. Ang pinakahuling pelikula na
pinagbidahan ni Allen ay ang "Imbisibol" directed by Lawrence Fajardo, na entry sa 1st Sinag Maynila Film Festival.
pinagbidahan ni Allen ay ang "Imbisibol" directed by Lawrence Fajardo, na entry sa 1st Sinag Maynila Film Festival.
Ang mga susunod na Pelikula ni Allen na kaabang-abang ay ang "Iadya Mo Kami" directed by Mel Chionglo at "Sekyu" directed by Joel Lamangan.
Written &
Note: All Photographs on this site are copyrighted,
Please avoid grabbing and
using any Photos without permission
No comments:
Post a Comment