Saturday, June 27, 2015

Mercedes Cabral, kinagat ng aso.

Habang nag-su-shooting ng pelikula, Aksidenteng nakagat ng aso ang tinaguriang 'Indie Film Princess' na si Mercedes Cabral, dahil daw ito marahil sa kalituhan at dala na rin ng stress ng aso. Oo, napapagod din ang mga aso tulad natin. Ito'y nangyari mga ilang taon na rin ang nakalipas. Sa ngayon ay mabuti naman ang kalagayan ni Mercedes. Marami na nga syang nagawang pelikula pagkatapos nuon at ang pinakahuli ay sa Denmark na may pamagat na "Rosita" at ang kakapalabas pa lamang dito sa Maynila na "An Kubo sa Kawayanan" directed by Alvin Yapan na official entry sa 'World Premieres Film Festival - Philippines' Filipino New Cinema section.

Ang pelikulang ginagawa nuon ni Mercedes na may kasamang aso ay pinamagatang "Da Dog Show" directed by Ralston Jover na sya ring nag-direk ng 'Bakal Boys' at Cinema One Originals entry 'Bendor'. "Da Dog Show" ay base sa dokumentaryong ginawa nuong 2009 ni Sir Howie Severino at ipinalabas sa GMA Network. Ito ay kwento ni Mang Sergio na nagpapalabas ng dogtrick show sa mga kalye ng Maynila kasama ang kanyang dalawang aso na sina Habagat at Bagwis upang makalikom ng salapi pangtustos sa kanyang pamilya. Si Mang Sergio ay gagampanan ni Lou Veloso sa "Da Dog Show" at si Mercedes Cabral naman ay ang anak ni Mang Sergio na si Celia na may karamdaman.  Naumpisahan nina Direk Ralston mag-shoot ng pelikula nuong 2010 isang taon pagkatapos maipalabas ang dokumentaryo ni sir Howie, Kasama ang dalawang orihinal na aso ni Mang Sergio ngunit hindi pa man natatapos ang pelikula ay isang malungkot na balita ang kanilang natanggap, na magkasunod na namatay ang dalawang alaga nina Mang Sergio kaya kinailangang ire-shoot ang pelikula at kinailangan nilang humanap nang papalit kina Bagwis at Habagat. Isa sa asong napili nila ay si Princess na sya ring nakasama ni Sir Eddie Garcia nuon sa Cinemalaya entry movie na "Bwakaw". Sa "Da Dog Show, maipapakita ang isang totoong kalagayan at nangyayari sa isang pamilyang pilipino, na anuman ang mangyari o estado sa buhay ay sisikaping maka-angat at malagpasan ang mga paghihirap at makapagpa-saya hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa ibang mga tao. Maipapakita rin sa pelikula ang ilang pangyayari na sumasalamin sa tunay na estado ng ating bansa.


Five Years in The Making, "Da Dog Show" is now part of the 'World Premieres Film Festival - Philippines' now happening in selected SM Malls. The movie is an Official entry for the ASEAN Skies Section.


We can watch "Da Dog Show" in very limited screening Dates: 

On Monday, June 29th, 2015 at SM North Edsa, Cinema 2, 5pm.  On July 3rd (Friday) at SM Mega Mall, Cinema 6 - 5 pm   
and on  
July 7th (Tuesday) at SM North Edsa, Cinema 2 -  1 pm  


Kasama rin sa pelikula sina Aljon Ibanez at Micko Laurente.
Producers: Bessie Padilla (Queen B Productions), Sven Schnell (San Cinema, Germany),
Line Producer: Darlene Malimas,
Director-Of-Photography is Carlo Mendoza, Assistant Directors are Jomar Quintos and Menchie Tabije, Production Designer is Deans Habal and the Editor is Kats Serraon.








Written & 
Note: All Photographs on this site are copyrighted, 
Please avoid grabbing and 
using any Photos without permission

No comments:

Post a Comment