Thursday, June 11, 2015

Treasures and History of a country (National Museum of the Philippines)

Matagal tagal din akong hindi nakakabisita sa Pambansang Museo ng Pilipinas (National Museum of the Philippines), Ang huling pagpunta ko dito sa pagkakaala-ala ko ay noong 90's pa.

Photographed by Axl Guinto
Kahapon, kasama ang kaibigang si Axl ay sumulyap kami sa Gallery hall ng Museo. Bagaman, pamilyar na ako sa aking makikita ay namamangha pa rin ako ng masilayan kong muli ang mga Paintings, Sculptures at ibang likhang sining na nasa loob. Mangha-mangha ako at masasabi ko na sadyang Napakayaman talaga ng Pilipinas. Sa mga nakalagay duon, pakiramdam ko ay nakarating na rin ako sa Europa dahil base sa mga nakikita ko sa mga libro at pelikula na sagana sa kultura ang mga bansang naroon ay halos hindi nalalayo ang mga obrang nalikha ng mga Pilipino. Sina Juan Luna, Fernando Amorsolo, Carlos "Botong" Francisco, Guillermo Tolentino ay ilan lamang sa mga naging bantog o nakilalang Pilipino dahil sa kanilang mga obra, at marami sa mga ito ay makikita sa loob ng Pambansang Museo ng Pilipinas. 

Ngayong buwan ng Hunyo, sinoman ay maaaring bumisita sa Museo na walang anumang babayarang salapi (Free Entrance)
Sa lahat ng kapwa ko Pilipino lalong lalo na sa mga kabataan, Kung may pagkakataon ay huwag sana ninyong sayangin at Bumisita kayo sa ating Pambansang Museo at kayo mismo ang makakatuklas sa angking Yaman at napaka-Makulay na Kasaysayan ng ating bansa.












Written by: Erickson Dela Cruz 


No comments:

Post a Comment